Originally released: May 27, 2015
Nakabitin at wala nang buhay: ganito natagpuan ang isa nanamang kabataaang mag-aaral matapos malamang hindi na matutustusan ng pamilya ang kanyang pag-aaral.
Nito lamang ika-18 ng Mayo, kinitil ni Jhoemary Azaula, isang 19 anyos na estudyante mula sa Eulogio Amang Rodriguez Institute for Science and Technology (EARIST), ang sariling buhay. Naganap ito tatlong buwan lamang matapos pumanaw si Rosanna Sanfuego, isang mag-aaral mula sa Cagayan State University (CSU) utang sa parehong kadahilanan: ang mataas na presyo ng edukasyon.
Kung tutuusin, sa halagang 100 hanggang 200 pesos per unit, isa na ang EARIST sa may pinakamababang singil sa matrikula sa Kamaynilaan. Ito ay sa kabila ng miscellaneous fee at iba pang bayarin na aabot ng 3,392 piso at sa singil sa uniporme na maaring lumagpas nang 1,000 piso. Ngunit para sa isang manggagawang sumasahod lamang ng mas mababa pa sa 481 piso sa kada araw ng trabaho hindi na biro ang halagang ito. Lalo pa sa mga tubong probinsya gaya ni Azaula na may dagdag-gastos pa sa pamasahe at tutuluyang dormitoryo.
Kung ganito na kataas ang presyo ng edukasyon sa isang pampublikong paaralan gaya ng EARIST, dagdag-pahirap pa ang naghihintay sa mga mag-aaral ng pribadong paaralan. Ang malagim na trahedyang ito ay naganap wala pang isang linggo matapos ipahayag ng Commission on Higher Education (CHED) ang pag-apruba nito sa pagtataas ng 313 na kolehiyo at pamantasan ng kanilang singil sa matrikula. Dito makikitang sa halip na tugunan ang umiigting na pangangailangan ng mamamayan sa isang mas abot-kaya at dekalidad na edukasyon, pangangailangang kumita pa ang kinatigan ng estado.
Bunsod ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng pag-aaral, mapa-pampubliko o pribadong eskwelahan man, hindi malabo na hindi kay Azaula ang huling makikitil na buhay sa ngalan ng matrikula. Ngunit sa kabila ng malagim na hinaharap na naghihintay sa ating lahat, may mga agam-agam pang kumakalat na nagpapalabnaw sa isyung ito: na hindi naman talaga matrikula o kahirapan ang dahilan ng pagpapatiwakal ng mag-aaral, na ito lamang ay isang “isolated” na kaso, na “pinupulitika” lamang ng mga grupo ang kamatayan ng indibidwal.
Hindi na bago ang mga ganitong pambubulag. Ito rin ang sinabi ng ilan ukol kay Kristel Tejada at Rosemary Sanfuego. Sa kabila ng ganitong pagpapababaw ng diskurso, malinaw pa ring malaki ang papel ng matrikula at kahirapan sa pagkamatay ng mga kapwa natin kabataan. Dapat sana, sa kabila ng marami pang personal na suliranin, sa edukasyon humuhugot ng pag-asa at lakas ang mga Pag-asa ng Bayan. Ngunit sa ilalim ng sistemang maspang-api at ganid sa kita, dagdag-pasakit na lang rin ang pag-aaral, lalo na sa masang api.
Ipinaabot ng Samahan Progresibong Kabataan (SPARK) ang pakikiramay sa pagyao ng kapwa mag-aaral ng Bayan, at ang pakikiisa sa paghingi ng hustisya para sa mga biktima ng laganap ng pagtaas na presyo ng edukasyon at ng epidemya ng kahirapan gaya ni Jhoemary.
Lubos na tinututulan ng SPARK ang komersyalisasyon ng edukasyon: ang pagpapatakbo sa mga pamantasan at eskwelahan alang-alang sa kita, at ang privatization ng edukasyon: ang paglawak ng impluwensya ng negosyo sa sistema at mga institusyon ng edukasyon. Kinukundina rin ng SPARK ang pag-anib ng administrasyong Aquino at ng CHED sa interes ng kita sa halip na ipaglaban ang libreng edukasyon bilang karapatan ng mamamayan. Ito ang mga sanhi ng walang habas na pagtaas na presyo ng edukasyon: repleksyon ang mga ito ng paggamit ng kapitalistang lipunan sa instrumento ng progreso bilang kasangkapan ng pang-aapi.
Hindi pa man nakalalabas ng eskwelahan, pinapatay na ng tubo ang kakayanan ng mamamayan na palayain ang sarili mula sa kahirapan. Hindi na ito dapat magpatuloy. Inaanyayahan ng SPARK ang bawat kabataan - ang bawat Pag-asa ng Bayan – na magkaisa laban sa opresyon ng masa, at sa paghingi ng hustisya para sa mga yumao nating kasama, alang-alang sa kita.
#JusticeForJhoemary!
#EducationIsARight!
Free education for all, now!