Taumbayan ang talo sa tuwing ang galit at pagkamuhi ay itinututok sa mga inaapi sa halip na mga nang-aapi.
Ang diskriminasyon batay sa kasarian at oryentasyon ng sekswalidad ay usapin ng pagtrato sa kapwa-tao bilang kalakal: kalakal na sinasalansan at pinaghihiwalay gamit sa silbi nito at "halaga" sa palitan.
Mula pa sa simula ng modernong lipunan ay naranasan at patuloy na nararanasan ng LGBT community ang diskriminasyon at pagkamuhi dahil hindi ito nabibilang sa tradisyunal na pagkakahati ng lipunan batay sa kasarian.
Gayunpaman, dahil sa pagkamulat at pagkilos ng komunidad at ng mga progresibong puwersa ng lipunan, unti-unting nagkakaroon ng kamalayan ukol sa karapatan ng bawat indibwal na ihayag ang kanyang sekswalidad ayon sa kanyang sariling pagpapasya.
Sa kabila nito, patuloy na kulang ang oportunidad na ibinibigay ng Estado at ng lipunan para sa mga miyembro ng LGBT community. Laganap pa rin ang diskriminasyon sa trabaho batay sa kasarian at sekswalidad, ang eksploytasyon ng maraming LGBT dahil sa kahirapan at kawalan ng kabuhayan, at ang karahasang dinadanas ng mga LGBT dahil sa kanilang katauhan.
Kinukundena ng Samahan ng Progresibong Kabataan ang paghahambing ng kongresista at atletang si Manny Pacquiao sa mga hayop ang mga kasapi ng LGBT community. Gayunpaman, kinikilala ng SPARK na hindi matatapos sa pagkundena ang laban para sa pagkakapantay-pantay. Dapat nating maaasahan natin ang Estado at ang kanyang mga elemento na maging kaagapay at kakampi ng mga naaaping sektor sa lipunan. Hindi sapat ang "sorry" na lang.
Kung patuloy na hawak ng mga tradisyunal, mapanghati, at gahamang mga grupo ng lipunan ang gobyerno at ang mga opisyal nito, magpapatuloy ang mga sentimiyentong mapang-api at mapanira sa ating kapwa. At hindi natin makakamit ang mga ganansyang naghihintay sa mga sektor na naaapi, gaya ng LGBT community, patungo sa isang lipunang malaya mula sa diskriminasyon at pagkakahati-hati.
Upang ganap na magapi ang mga sentimiyento ng galit at pagkamuhi sa mga "marginalized" na komunidad, kailangang patuloy nating mulatin, organisahin at pakilusin ang masa tungo sa pagbawi sa Estado mula sa mapanghating interes ng kapital at tubo, tungo sa tunay at malawakang progreso at pagkakapantay-pantay.
Basagin ang mukha ng diskriminasyon!
Tumindig kasama ng mga LGBT tungo sa lipunang pantay-pantay!